Mga Payong Pangkaligtasan para sa Mga Nakakaranas o Nakakasaksi ng Panghahamak

5 Bagay na Isasaalang-alang Kapag Nakakaranas ng Panghahamak

1. Safety First: Pagkatiwalaan ang iyong mga nararamdaman at matyagan ang iyong kapaligiran. Kung ramdam mong hindi ka ligtas, lumisan kung kaya mo.

2. Manatiling Kalmado: Huminga nang malalim, limitahan ang eye-contact, at panatiliing kalmado ang kilos.

3. Magsumbong (kung magagawa mo ito nang ligtas): Gamit ang kalmado at matatag na boses, lumayo at batikusin ang kanilang pag-aasal at mga komento.

4. Maghanap ng Agarang Tulong: Humingi ng tulong sa ibang tao sa paligid.

5. Humingi ng Emosyonal na suporta: Kapag ramdam mong ligtas ka na, maghanap ng taong makukuwentuhan mo tungkol sa nangyari. Tandaang hindi mo ito kasalanan, at hindi ka nag-iisa.

5 Paraang Makakatulong Kung Nakakasaksi Ka ng Panghahamak

1. Umaksyon: Lapitan ang tina-target na tao, ipakilala ang iyong sarili, at mag-alok ng suporta.

2. Makinig nang Aktibo: Magtanong bago gumawa ng anumang aksyon at igalang ang kagustuhan ng tina-target na tao.  Subaybayan ang sitwasyon kung kinakailangan.

3. Huwag Pansinin ang Umaatake: Gamit ang iyong pagpapasya, subukang pakalmahin ang sitwasyon sa pamamagitan ng iyong boses, kilos, o mga distraction. 

4. Samahan Siya: Kung lalala ang sitwasyon, imbitahan ang tina-target na taong sumama sa iyo sa pag-alis. 

5. Mag-alok ng Emosyonal na Suporta: Tulungan ang tina-target na tao sa pamamagitan ng pagtatanong kung anong nararamdaman nila.  Tulungan siya na alamin kung anong sunod na gagawin.

Join Our Movement

By providing your name and email address, you are signing up to receive emails from Stop AAPI Hate and its founding partners. You can unsubscribe at any time.